8:00 PM – 4:00 AM Curfew hours sa Metro Manila, ipatutupad simula Aug. 6

Mas pahahabain pa ang curfew hours sa Metro Manila simula August 6, 2021.

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sa public briefing ng Malakanyang.

Ayon kay Abalos, napagkasunduan ng Metro Manila Mayors na ipatupad ang curfew sa NCR simula 8:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga simula August 6.

Nauna nang pinaiksi noong Hulyo ang curfew sa NCR mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Samantala, sinabi pa ni Abalos na nagpatupad na ng liquor ban ang mga lungsod ng Valenzuela, Mandaluyong, Parañaque, Pasay, Navotas, Pateros, Quezon City, at San Juan.

Nilinaw ni Abalos na ang pagpapasya sa pagpapatupad ng liquor ban ay ipinauubaya na sa bawat Local Government unit.

Please follow and like us: