8,920 COVID-19 cases, naitala sa unang araw ng Abril

Nakapagtala ang Department of Health ng 8,920 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, umakyat na sa 756,199 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 138,948 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 205 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 603,948 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

May 6 naman na bagong nasawi dahil sa virus. Sa ngayon umabot na sa 13,303 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Please follow and like us: