899 bagong kaso ng Covid-19 at 1,667 bagong gumaling, naitala ngayong Sabado

Nakapagtala ng 899 na bagong kaso ng Covid 19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,831,177 ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 17,052 ang aktibong kaso.

May 1,667 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,765,920 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 188 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 48,205 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: