Bayanihan Bakunahan, mayroong round 2 – DOH

Magkakaroon ng round 2 ang National Vaccination Day.

Ang unang round ng Bayanihan Bakunahan ay gagawin sa November 29 hanggang December 9.

Pero mula sa 15 milyon na inisyal na target mabakunahan, sinabi ni Dr. Beverly Ho, ng Health Promotions Bureau ng Department of Health, na ibinaba ito sa 9 na milyon.

Nilinaw naman ni Ho na kung higit sa bilang na ito ang pupunta sa mga vaccination sites ay tatanggapin pa rin ang mga ito.

Ang round 2 naman aniya ng Bayanihan Bakunahan ay sa December 15 hanggang 17.

Nakadepende naman aniya sa resulta ng unang vaccination day ang magiging target na bilang ng babakunahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: