9 na inmates, patay sa riot sa Bilibid

Siyam na inmate ang kumpirmadong patay kasunod ng naganap na riot sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, dalawa sa mga nasawi ay miyembro ng Commando gang habang ang pito ay mula sa Sputnik Gang.

Dinala naman sa ospital ang mga nasugatan sa gulo na sumiklab sa East Quadrant ng Maximum Security Compound ng Bilibid.

Kaugnay nito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na handa siyang magutos ng ‘drastic actions’ bunsod ng insidente.

Pero, hihintayin muna ng kalihim ang report sa kanya ni BuCor Chief Gerald Bantag ukol sa riot sa Bilibid.

Moira Encina

Please follow and like us: