915 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON

Umakyat na sa mahigit 107,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON matapos madagdagan ng 915 na bagong infections.

Pero, ayon sa DOH Center for Health Development – CALABARZON, mula sa nasabing bilang ay 19, 409 na lamang ang aktibong kaso.

Ito ay matapos gumaling na mula sa sakit ang 85, 402 kung saan 441 ang bagong recoveries.

Nasa ang 2,800 naman ang pumanaw na COVID patients sa rehiyon.

Lagpas na sa 7,000 ang active cases sa Cavite na pinakamarami sa Region IV-A.

Moira Encina

Please follow and like us: