Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc at mga alkalde sa lalawigan, nabakunahan na rin laban sa COVID-19

Tumanggap na rin ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ang mga opisyal sa Ilocos Norte.

Ayon sa Ilocos Norte Provincial Government, binakunahan ng CoronaVac ng Sinovac sina Governor Matthew Marcos Manotoc kasama ang 14 na mayor sa probinsya.

Isinagawa ang pagbabakuna sa mga local officials sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital.

Tinurukan ang gobernador at mga alkalde makaraan mabakunahan na laban sa virus ang halos 4,000 medical at healthcare workers sa Ilocos Norte at payagan ng IATF na mapabilang ang mga local chief executives sa critical areas sa priority group.

Moira Encina

Please follow and like us: