Mga residente na kabilang sa A3 vaccination priority list, makatatanggap na ng Covid 19 vaccine ngayong araw.

Makatatanggap na ng Covid 19 Vaccine ang mga residente sa Los Baños, Laguna na kabilang sa A3 vaccination priority list o ang mga person’s with comorbidity.

Ito ang mga residente sa Los Baños na edad 18 hanggang 59 anyos at may mga sakit tulad ng chronic respiratory disease, kidney o liver disease, hypertension, cardiovascular disease, diabetes, at tuberculosis.

Isasagawa ang pagbabakuna sa Batong Malake Covered Court sa nasabing bayan.

Prayoridad sa naturang vaccination program ng mga opisyal ng bayan ang mga residente na naninirahan sa mga ‘high-burdened areas’, katulad ng Barangay ng Batong Malake, Tuntungin-Putho, Mayondon, San Antonio, at Anos, Los Baños, Laguna.

Bago ang pagbabakuna, kinakailangan munang magpa-rehistro ng mga residente at magdala ng katibayan ng kanilang medical conditions tulad ng medical certificate, reseta o hospital records, kung saan kinakailangan rin na mayroon silang clearance at medical consent mula sa kanilang duktor, kung sila man ay may malubhang karamdaman ngunit nais ring magpabakuna.

Please follow and like us: