Patas na imbestigasyon sa pagkamatay ni Darren Peñarendondo titiyakin ng PNP at Gen. Trias City Gov’t

Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang City govt of General Trias Cavite ukol sa nangyaring pagkamatay ni Darren Peñarendondo.

Inatasan na rin ni General Trias City Mayor Antonio Ferrer ang Hepe ng pulisya sa kanilang lungsod na magsagawa na agad ng patas na imbestigasyon ukol sa pagkamatay ni Darren Peñarendondo.

Si Peñarendondo ay nahuli ng mga otoridad matapos na lumabag sa umiiral na curfew hour bunsod ng ECQ nang bumili ito ng tubig.

Nahuli si Peñarendondo at diumanoy pinapag physical exercise ng isangdaang ulit kasama ng iba pang mga violator.

Nakipag-ugnayan na at nagpa-abot ng pakikiramay ang alkalde sa mga kaanak ng nasawi.

Tiniyak din ng alkalde na magkaroon ng kalinawan ang nangyaring pagkamatay ng biktima at tiniyak na makakamit ang hustisya.

courtesy: Adrian Luceño
Please follow and like us: