95% sa mga COVID patients sa Santa Rosa City, Laguna, nakarekober na

Umaabot sa 95% ng mga COVID-19 patients sa Santa Rosa City, Laguna ang gumaling na mula sa sakit.

Ito ay katumbas ng 2,550 pasyente na nakarekober batay sa pinakahuling datos mula sa Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa.

Ayon pa sa lokal na pamahalaan, 81 na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa Santa Rosa o 3%.

Pumanaw naman mula sa sakit ang 52 pasyente o 2%.

Wala na ring aktibong kaso ng COVID sa mga barangay ng Kanluran at Aplaya.

Samantala, dalawa ang naitalang panibagong kaso ng COVID sa Santa Rosa na isang frontliner at isang factory worker.

Moira Encina

Please follow and like us: