Aklan Province nakapagtala ng 20 bagong kaso ng Covid 19.

20 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Aklan Province kung saan 18 sa mga ito ay local cases habang 2 ay mula sa locally stranded individuals o LSI.


Ang bayan ng Balete at Numancia ay parehong nakapagtala ng 6 na bagong kaso ng COVID-19, ang bayan ng Malinao at Tangalan ay pareho ring nakapagtala ng 2 kaso at ang bayan ng Kalibo, Libacao, New Washington at ibajay ay parehong nakapagtala ng tag- iisang kaso ng COVID-19.


Sa ngayon, umabot na sa 239 ang bilang ng mga may kumpirmadong kaso ng Covid 19 habang nasa 168 naman ang recoveries, 62 ang active cases at 9 na ang nasawi.


Ulat ni Lads Ventura

Ang Aklan Provincial Capitol
Please follow and like us: