Pasig ferry station na nasa brgy. kalawaan sa Pasig city, binuksan na sa publiko
Binuksan na sa publiko ang ferry station sa Brgy. Kalawaan sa Pasig city .
Ito na ang pang labindalawang ferry station sa kahabaan ng Pasig river.
Ang Pasig ferry ang alternatibong transportasyon ng mga magtutungo sa manila divisoria area mula sa Kalawaan bridge ang Pasig ferry ay may station sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe , Hulo , Valenzuela , Lambingan, Sta. Ana sa Maynila, PUPU , Lawton at Escolta.
Mula ng magkaroon ng pandemya hanggang ngayon libre pa ang pamasahe sa ferry.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos , malaking tulong ang Pasig ferry lalo ngayong matindi na ang traffic sa Metro Manila.
Kung point to point o Pasig hanggang Quiapo, isang oras at sampung minuto lang ang biyahe mas mabilis raw ito kung ba biyahe by land.
Sa kasalukuyan ang Pasig ferry ay may labing apat na ferry boat na may seating capacity na 576.
Bukod sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa pamamagitan ng alternatibong transportasyon , binuhay ang Pasig para buhayin rin ang turismo.
May konsultasyon na ang MMDA sa iba pang LGU sa Taguig at Rizal para sa pagpapalawak ng operasyon ng operasyon ng River ferry hanggang sa Cardona Rizal .
Meanne Corvera