Mga anak ni Christopher Reeve, nais parangalan ang katapatan ng kanilang ama sa pelikulang ‘Super Man’

Superman's (Christopher Reeve) complete costume from "Superman" franchise movies on display at a Propstore facility in Rickmansworth, Britain, September 27, 2022. REUTERS/Peter Cziborra/File Photo

Ano ba ang isang bayani? Ang “Super/Man: The Christopher Reeve Story” ay naglalayong tugunan ang tanong na ito sa pamamagitan ng pagtingin sa buhay ng yumaong aktor na minsang gumanap bilang Man of Steel ngunit naparalisa matapos ang isang aksidente sa pagsakay sa kabayo.

Ang dokumentaryo na inilabas sa mga sinehan sa UK noong Biyernes, ay nagpapakita ng pagsikat ni Reeve, salamat sa 1978 film na “Superman” maging sa kaniyang activisim at paghahanap ng lunas para sa spinal cord injury, makaraan niyang maging isang quadriplegic.

Actor Christopher Reeve, most noted for his role as “Superman,” is shown in a scene from one of the “Superman” films./File Photo

Tampok dito ang panayam sa tatlo niyang mga anak na sina Matthew, Alexandra at William, at maraming home footage bago at pagkatapos ng aksidente ni Reeve na isang active sportsman noong 1995, na nagpapakita ng “tender moments” at “challenging times.”

Si Reeve, na bida sa apat na pelikula ng “Superman” at maging sa iba pang mga pelikula, ay namatay noong 2004 dahil sa heart failure, sa edad na 52. Ang kaniyang asawang si Dana ay namatay, 17 buwan pagkatapos dahil naman sa lung cancer sa edad na 44.

Sa isang panayam sa Reuters ay sinabi ni Alexandra Reeve, “It was a huge leap of faith, we decided to sit for interviews and hand over our films and trust that (the directors) would do justice to our dad and Dana’s story, which they did.”

“But it’s also a total gift. We sat there in the screening room (after first seeing the film)… and I remember the lights coming up at the end and… one of the first things I said was: ‘You just gave us two hours with our parents again.’”

“Superman” actor Christopher Reeve is shown in this March 25, 1996 file photograph with winner for Best Actress, Susan Sarandon, as they chat at the Governor’s Ball following the 68th annual Academy Awards in Los Angeles.REUTERS/Jeff Vinnick/File Photo

Sinabi ng mga anak ni Reeve at ng co-directors na si Ian Bonhote at Peter Ettedgui, na layon ng pelikula na maipakita ang balanse kapwa ng lakas at kahinaan ni Reeve. Siya ay narinig na nagkuwento ng kaniyang “struggles” sa kaniyang kasikatan at ang buhay niya pagkatapos ng aksidente.

Ayon kay Matthew Reeve, “He was always honest and he was always very open and candid … after the accident, he was very forthright about… any medical setbacks, about his hopes for research in the future. The film wanted to honour that aspect of his honesty.”

Ang mag-asawang Christopher at Dana Reeve ay maigting ang naging kampanya para sa mga taong nabubuhay nang may paralysis at maging sa mga tagapag-alaga nila, gayundin upang pataasin ang kamalayan ukol dito at pondohan ang mga pananaliksik kaugnay nito.

 Christopher Reeve and wife Dana pose at The Christopher Reeve Paralysis Foundation 13th Annual ‘A Magical Evening’ Gala in New York in this photo taken on November 24, 2003.REUTERS/Marion Curtis/File Photo

Sinabi ni Will Reeve, “My father and mother placed very little, if any, weight on fame or public success. They cared most about the health and love within a family.”

Dagdag pa niya, “They didn’t see themselves as anything more than two human beings just trying get through life as best they could.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *