National ID pwedeng gamitin sa transaksyon
Pwede nang gamitin sa mga transaksyon ang National I-D sa pakikipagtransaksyon sa lahat ng pampubliko at pribadong tanggapan sa buong bansa.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive order number 162 na nag-uutos sa lahat ng pampublikong opisina at pribadong establisimiento na tanggapin ang National ID na opisyal na Identification document o sapat na katibayan ng pagkakakilanlan at edad ng isang tao.
Kabilang sa tumanggap ng direktiba ng punong ehekutibo ay ang lahat ng bangko at financial institutions.
Nagpalabas na ang Bangko Sentral ng Pilipinas maging iba pang ahensiya ng pamahalaan ng magiging gabay sa implementasyon ng pagkilala sa National ID.