Batas na magdidikta para sa pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa, napapanahon na – Senador Lacson
Napapanahon na raw na gumawa ng batas na magdidikta para sa pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa.
Ayon kay Senador Ping Lacson, bunsod ito ng kabiguan ng tripartite wages and productivity board na aprubahan ang mga petisyon para sa umento sa sweldo.
Ayon sa Senador tatlong taon nang walang wage hike at ang kasalukuyang arawang sweldo na 537 ay nakabase pa sa 2019 inflation rate.
Hindi na aniya ito tugma sa kasalukuyang inflation dahil lahat ng presyo ng bilihin at serbisyo ay sumipa na dulot ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Tinawag ng Senador na joke ang bumubuo ng wage board na aniya’y kinakatawan ng mga employer at taga gobyerno kaya hindi nakikita ang tunay na sitwasyon ng mga manggagawa.
Sa kanya raw computation at kung ibabatay sa nangyaring paggalaw ng presyo ng bilihin at serbisyo, dapat aabot na ngayon sa 652 ang minimum wage.
Umapila ang Senador sa Malakanyang na aksyunan na ang hinihinging umento ng mga manggagawa bago pa ito mauwi sa mga malawakang kilos protesta.
Meanne Corvera