Parent Effectiveness Service Program Act o RA 11988 ganap ng Batas
Labis ang kasiyahan ni Bataan Governor Joet Garcia, dahil isa nang ganap na batas ang Republic Act No. 11988 o ang Parent Effectiveness Service (PES) Program Act , na siya ang pangunahing may-akda at isinulong noong 18th Congress nang siya pa ang kinatawan sa ikalawang distrito ng Bataan.
Aniya, sa pamamagitan ng nasabing batas ay mabibigyan na ng kaukulang gabay , suporta at mapalalawak din ang kaalaman ng mga magulang at guardian,at maibabahagi rin para kapulutan ng aral ang kanilang karanasan. Magbibigay din ito ng teknikal at legal na gabay sa ikatatatag ng bawat pamilyang Bataeños tungo sa mas maunlad, ligtas at mapayapang komunidad.
Ayon pa kay Gov. Garcia, bilang bahagi ng PES Program Act, ay isasaayos na ang EDUCHILD program sa lalawigan na inaasahang maipatutupad sa lahat ng Day Care Centers, Elementary at Secondary Schools, mga barangay, at munisipyo sa boong Bataan.
Ulat ni Larry Biscocho