Posibleng pag-aaklas ng mga retiradong militar at uniformed personnel ibinabala kung gagalawin ang pension – dela Rosa
Nagbabala si Senador Ronald ‘Bato” dela Rosa sa umano’y posibleng pag-aaklas ng mga retiradong military at uniformed personnel sakaling galawin ang kanilang natatanggap na pensyon.
Sa harap ito ng pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaring magresulta ng fiscal collapse ang patuloy na paglobo ng gastos ng pamahalaan sa pensyon ng mga military personnel.
Iginiit ni dela Rosa na hindi dapat isisi sa mga retiradong military officials at personnel ang posibleng pag collapse ng fiscal system.
Sa halip, iminungkahi ng mambabatas na magpatupad ng reporma sa pensyon sa mga bagong pasok na uniformed services.
Hindi naman aniya kasalanan ng mga retirado na babaguhin ang sistema para sa kanila.
“Sana ang ginawa naming pag-fight sa field noon bigyan din ng kaukulang pag-alaga at pag-a-aruga ng gobyerno,” pahayag ni dela Rosa.
“I don’t want to be divisive among other retirees pero siguro lahat naman tayo ay aminado sa lahat ng retiree yung nasa armed services ang buwis-buhay ang trabaho nyan at nakapag-retire sya, so, dapat alagaan dahil he used up his productive years of his life fighting the enemies of the state,” paliwanag pa ng mambabatas.
Meanne Corvera