PH Embassy sa Lebanon, inabisuhan ang mga Pinoy sa Beirut at S. Lebanon na mag-ingat kasunod ng drone attack
Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga Pilipino roon sa posibleng banta sa kaligtasan matapos ang sinasabing Israeli- drone attack sa Dahye, Beirut noong Enero 2 na ikinasawi ng Hamas senior official.
Sa abiso ng Philippine Embassy, pinaiiwas ang mga Pinoy sa pagtungo sa mga pampublikong lugar at mga pagtitipon.
Gayundin, sa mga hindi kinakailangang pagbiyahe sa Beirut at South Lebanon.
Hinimok din ng Embahada ang mga Pilipino sa Lebanon na makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office para iulat ang kanilang situwasyon.
Moira Encina
Please follow and like us: