Hamas delegation darating sa Egypt para sa Gaza truce talks
Nakatakdang dumating sa Egypt ang isang Hamas delegation, bilag tugon sa pinakahuling proposal ng Israel para sa matagal nang hinahangad na kasunduan at pansamantalang kapayapaan sa Gaza Strip pagkatapos ng halos pitong buwan nang giyera.
Ilang buwan nang sinusubukan ng Egypt, Qatar at United States na mamagitan sa isang kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas, habang tumataas ang bilang ng mga namamatay sa Gaza at tumitindi ang mga panawagan para sa isang kasunduan.
Ngunit sa kabila ng matinding pressure upang magkaroon ng isang tigil-putukan, matiyak na mapalalaya ang mga bihag na hawak sa Gaza at payagan ang higit pang humanitarian aid sa teritoryong sinalanta ng digmaan, ang isang kasunduan ay nanatiling mailap.
Ayon sa Palestinian Islamist group, “We had no ‘major issues’ with the content of Israel’s most recent offer for a truce.”
Sinabi ng isang senior Hamas official na ayaw magpakilala, “The atmosphere is positive unless there are new Israeli obstacles.”
Sabi naman ng humanitarians, “The war has brought Gaza to the brink of famine, reduced much of it to rubble and raised fears of broader conflict.”
A camp for displaced Palestinians in Deir al-Balah, central Gaza / AFP
Hinihiling ng mga nagpoprotesta sa Israel na i-secure ng gobyerno ang kalayaan ng mga hostage na binihag ng mga militante sa pag-atake noong Oktubre 7 na nag-trigger ng digmaan.
Simula nang magresulta sa palitan ng 80 Israeli hostages at 240 Palestinians na nasa mga kulungan sa Israel ang isang linggong paghinto sa labanan noong Nobyembre, ay pinagsumikapan na ng mediators na Egypt, Qatar at United States na magkaroong muli ng pansamantalang kapayapaan.
Una nang iginiit ng Hamas ang isang permanenteng tigil-putukan, isang kondisyon na tinanggihan ng Israel.
Gayunman, iniulat ng Axios news website, banggit ang dalawang Israeli officials, na kabilang sa pinakahuling proposal ng Israel ang kahandaan na pag-usapan ang pagpapanumbalik sa “sustainable calm” sa Gaza pagkatapos ng pagpapalaya sa mga bihag.
Ayon sa Axios, “It is the first time that Israeli leaders have suggested they are open to discussing an end to the war.”
Sinabi ng isang Hamas source na may nalalaman sa negosasyon, “The group ‘is open to discussing the new proposal positively’ and is ‘keen to reach an agreement’ that guarantees a permanent ceasefire, the free return of displaced people, an acceptable deal for (prisoner) exchange and ensuring an end to the siege in Gaza.”
Pahayag ng White House, habang tumitindi ang diplomatikong pagsisikap, nakipag-usap si US President Joe Biden kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa pamamagitan ng telepono noong Linggo at nirepaso ang patuloy na pag-uusap.
Sa isang summit sa Riyadh na nagsimula nitong Linggo, ay sinabi ni Saudi Arabia Foreign Minister Prince Faisal bin Farhan na binigo ng international community ang Gaza.
Sinabi ni Prince Faisal sa World Economic Forum (WEF) special meeting, “The situation in Gaza obviously is a catastrophe by every measure –- humanitarian, but also a complete failing of the existing political system to deal with that crisis.”
Aniya, “Only a credible, irreversible path to a Palestinian state will prevent the world from confronting “this same situation two, three, four years down the line.”
Tinanggihan ng gobyerno ni Netanyahu ang mga panawagan para sa isang Palestinian state.
New encampments in southern Gaza © Aníbal Maíz Cáceres, Patricio ARANA / AFP
Ang pangulo ng Palestinian na si Mahmud Abbas, na ang Palestinian Authority ay may bahagyang administratibong kontrol sa West Bank na sinasakop ng Israel, ay umapela sa pulong ng WEF para sa Estados Unidos na pigilan ang Israel sa pagsalakay sa Rafah, na aniya ay magiging “pinakamalaking sakuna sa kasaysayan ng mamamayang Palestinian.”
Nangako ang Israel na hahabulin ang mga batalyon ng Hamas sa katimugang lungsod ng Gaza sa hangganan ng Egypt, ngunit nagbunga ito ng global alarm, dahil karamihan sa populasyon ng Gaza ay doon nanganganlong.
Gayunman, nitong Sabado ay nagbigay ng senyales si Israeli Foreign Minister Israel Katz, na handa ang Israel na ihinto ang pagsalakay sa Rafah kung tatanggapin ng Hamas ang isang kasunduan na palayain ang mga bihag.
Aniya, “If there is a deal, we will suspend the operation.”
Si US Secretary of State Antony Blinken, na sumusuporta sa mga hakbang tungo sa isang Palestinian state, ay kabilang sa matataas na mga opisyal na nakatakdang magtungo sa Riyadh, at bibisita rin siya sa Israel at Jordan batay sa anunsiyo ng State Department.
Pinaigting ng mga demonstrador sa Israel ang mga protesta na nananawagan sa kanilang gobyerno, na magkaroon na ng kasunduan na magpapalaya sa mga bihag, at inakusahan si Netanyahu na pinahahaba ang giyera.
Noong Pebrero ay sinabi ni Netanyahu, na hindi mapipigilan ng “anomang truce deal” ang operasyon sa Rafah.
Babala ng UN humanitarian agency na OCHA, “Famine thresholds in Gaza will be breached within the next six weeks if massive food aid does not arrive.”
Sinabi naman ni National Security Council spokesman John Kirby, “Israel is letting in more trucks, in line with ‘commitments that President Biden’ asked them to meet.”
Batay sa vesselfinder.com tracker, ang cargo ship na Jennifer na umalis sa Cyprus na may dalang tulong mula sa United Arab Emirates, ay nasa labas na ng daungan ng Ashdod sa Israel nitong Linggo.