Foreign Affairs Sec. Yasay umalma sa alegasyon na nagsinungaling sa kaniyang US citizenship

Pumalag si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay sa mga alegasyon na nagsinungaling siya sa Senado hinggil sa kaniyang pag-aaplay ng US naturalization.
Inamin ni Yasay na nakakuha siya ng US naturalization at pasaporte noong 1986 pero isinuko niya ito sa Amerika.
Noong 1993 nag-aplay siya ng tourist visa na katunayang hindi na siya American national.
Nakapagsumite na siya ng mga dokumento para patunayan na isa siyang tunay na Pilipino.
“3 months later in violation of immigration and nationality law us I abandoned my residence in the US to return in the Phils. and for good on that basis under American law supported affidavit I could not be inconsistent I indeed I disqualified I return my naturalization certificate”. –Sec. Yasay
Ulat ni: Mean Corvera