Isa punto labingpitong bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu, narekober sa Pangasinan
Aabot sa 1.17 bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober at isinuko ng mga lokal na mangingisda sa karagatang sakop ng Pangasinan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nakatanggap sila ng report mula sa mga mangingisda na may nadiskubre ang mga ito na 2 sako na palutang lutang sa 32 nautical miles sa kanluran ng Agno.

Courtesy: Coast Guard District Northwestern Luzon
Makalipas ang ilang araw, may 4 pang sako na nakuha naman ang iba pang mangingisda sa bahagi ng Bolinao; Bani, at Agno.
Bawat isang sako ay may lamang pake-pakete ng hinihinalang shabu.

Courtesy: Coast Guard District Northwestern Luzon
Kaugnay nyan, pinaigting ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang pagpapatrolya sa karagatan at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na mangingisda.
Madelyn Moratillo