Ilang domestic flights, kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon
Kinansela na ngayong araw ang ilang domestic flights dahil sa masamang lagay ng panahon sa Northern Luzon.
Dulot ito ng Low Pressure Area na namataan sa layong 555 kilometro sa Silangan Hilagang Silangan ng Tuguegarao City.
Posible ring maging bagyo ang naturang LPA sa mga susunod na oras.
Inaasahang bibigyan ito ng local name na “Kiko” kung lalakas at magiging ika-11 sama ng panahon sa taong 2017.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng PAGASA sa bagyong may international name na Sanvu, kahit ito ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang nasabing bagyo sa layong 2,550 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.
May lakas itong 105 kph at may pagbugsong 129 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.