1.3M halaga ng pekeng sigarilyo, kinumpiska ng otoridad sa Quezon

Sinamsam ng otoridad ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga 1.3M sa isinagawang Raid sa Barangay 9 , Lucena City sa lalawigan ng Quezon.

Bitbit ang search warrant ng PNP Lucena City Operatives , matagumpay na naisagawa ang raid sa isang bahay sa Merchant St. sa nasabing barangay na inuupahan ng isang Chinese National na kinilalang Andy Jong , 42 anyos.

Huli sa aktong nagrere-pack at nakumpiska sa isinagawang raid ang 256 boxes na iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo na aabot sa 1.3 milyun piso.

Patuloy ang imbestigasyon kung saan nagmumula ang mga pekeng sigarilyo na nasa inuupahan ng nasabing suspek., ayon sa otoridad matagal na nilang minamanman si Chua bago pa maisagawa ang naturang raid.

Hindi na nagbigay ng anumang karagdadgang pahayag ang nasabing suspect sa otoridad.

Ulat ni Wilson Palima

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *