Mga lumikas na residente ng Baranggay Masarawag, Guinobatan, Albay nasa evacuation center na

Nasa evacuation center na ang mga residente ng Baranggay Masarawag, Guinobatan, Albay na lumikas mula pa kaninang alas 4 ng hapon.

Umabot sa 30 silid na may laman na 40 katao ang naukupa ng mga lumikas dito sa Guinobatan West Central School.

Ang iba sa mga evacuees ay naghahapunan na.

Samantala, kaninang alas 7 ng gabi ay nagsagawa ng orientation sa mga room coordinators ang prinsipal ng paaralan na si Bb. Haydee Cadag.

Ang iba sa mga lumikas na residente ay sa ibang evacuation center na ipinadala sapagkat wala ng silid na matutuluyan.

Ulat ni Eddie Ojano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *