Nicanor Faeldon, pormal nang nanumpa bilang bagong Bucor Director-General

 

Nanumpa na kay Justice Secretary Menardo Guevarra si bagong Bureau of Corrections Director-General Nicanor Faeldon.

Ayon kay DOJ Spokesperson at Undersecretary Markk Perete, maayos at cordial ang seremonya kahit nagkaroon ng isyu ang dalawang opisyal sa nakaraang linggo.

Matatandaan na umalma si Faeldon na wala pa siyang pormal na appointment nang punahin ni Guevarra na no show ito sa BuCor isang buwan matapos itong pangalanan ni Pangulong Duterte na bagong hepe ng kawanihan.

Sinabi pa ni Perete na nagpulong agad sina Guevarra at Faeldon matapos ang oathtaking.

Kabilang sa mga ipinabatid ni Guevarra kay Faeldon ang mga priorities sa New Bilibid Prison partikular ang problema ng kalakalan ng iligal na droga, ang siksikan sa loob ng kulungan at ang posibilidad na paglilipat ng minimum at medium prison facilities sa ibang lugar.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *