Greta Thunberg ipinadeport mula sa Israel matapos masabat ang sinasakyang bangka na patungo sa Gaza

An Israeli solider passes a bun to Greta Thunberg onboard the Gaza-bound British-flagged yacht “Madleen” after Israeli forces boarded the charity vessel as it attempted to reach the Gaza Strip in defiance of an Israeli naval blockade, in this still image released on June 9, 2025. Israel Foreign Ministry via X/Handout via REUTERS
Ipinadeport mula sa Israel ang Swedish campaigner na si Greta Thunberg, isang araw matapos siya at ang kaniyang grupo ng kapwa pro-Palestinian activists ay pigilan ng Israeli navy na maglayag patungo sa Gaza.
Ayon sa Israeli Foreign Ministry, ang 22-anyos na si Thunberg ay pinasakay sa isang flight patungo sa France,at mula roon ay bibiyahe pabalik sa Sweden.
Sumang-ayon din ang tatlong iba pang katao na lulan ng charity vessel para sa garang repartiation. Walong iba pang crew members naman ang kinuwestiyon ang kanilang deportation order, ayon sa Israeli rights group Adalah.
Ididitini ang mga ito sa isang detention center bago ang isang court hearing. Hindi naman agad malinaw kung ano ang mangyayari.
Umakyat ang Israeli forces sa charity vessel nang malapit na ito sa Gaza noong Lunes ng umaga, na nagtangkang lumusot sa naval bloxkade ng Israel na umani ng international attention mula nang putulin ng Israel ang land access sa Gaza strip noong Marso. Sa ngayon ay limitadong suplay lamang ng pagkain ang pinapayagan ng Israel na ipinamamahagi ng grupong suportado nila.
Ang British-flagged yacht ay dinala sa Israeli port ng Ashdod, at ang 12 crew ay inilipat sa Ben Gurion airport.
Ang mga aktibista ay may dalang maliit na kargamento ng humanitarian aid, gaya ng bigas at baby formula, at sinabing nais nilang magkaroon ng international awareness tungkol sa humanitarian crisis sa Gaza, na ilang buwan nang pininsala ng giyera. .

An Israeli solider passes water to those onboard the Gaza-bound British-flagged yacht “Madleen” after Israeli forces boarded the charity vessel as it attempted to reach the Gaza Strip in defiance of an Israeli naval blockade, in this screengrab from video released on June 9, 2025. Israel Foreign Ministry via X/Handout via REUTERS THIS IMAGE HAS BEEN SUPPLIED BY A THIRD PARTY MANDATORY CREDIT
Para sa Israel, ang naturang biyahe ay isang pro-Hamas publicity stunt, at ayon sa Foreign Ministry, “The tiny amount of aid that was on the yacht and not consumed by the ‘celebrities’ will be transferred to Gaza through real humanitarian channels.”
Ang Israel ay naglabas ng larawan ni Thunberg na nakaupo sa loob ng isang eroplano bago ito umalis patungong Paris. Karaniwan nang tumatanggi itong bumiyahe lulan ng isang eroplano dahil sa carbon emissions ng airline industry.

Gaza-bound British-flagged yacht “Madleen” approaches Ashdod port following a take over last night by the Israeli army, in Ashdod, Israel, June 9, 2025. REUTERS/Amir Cohen
Nagpalabas naman ng video ni Thunberg ang organisers, na kinunan habang sakay ito ng charity vessel bago ito pinigil at kinuha ng Israel, na ayon kay Thunberg ay nangangahulugan na siya at ang iba pang crew ay kinidnap ng Israel sa international waters.