DOJ nakatakdang isampa ngayong linggo sa mga korte ang mga kaso vs dating Health Secretary Garin at iba pa kaugnay sa isyu ng Dengvaxia
Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isasampa ngayong linggo sa mga hukuman ang mga kaso laban kina dating Health Secretary Janette Garin at iba pang personalidad na dawit sa pagpapatupad ng anti -Dengue vaccination program gamit ang Dengvaxia.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang inirekomenda ng DOJ panel of prosecutors laban kina Garin, mga opisyal ng DOH, FDA, RITM at Sanofi Pasteur.
Kaugnay nito, sinabi ni Guevarra na ihahain sa ibat-ibang hukuman ang mga kaso laban kina Garin.
Ayon sa kalihim, isasampa ang kaso sa mga korte na may hurisdiksyon sa lugar kung saan binakunahan o namatay ang biktima.
Maaring maharap sa anim na taong pagkakakulong sina Garin sa bawat counts ng reckless imprudence resulting in homicide kapag napatunayang guilty.
Ulat ni Moira Encina