Silang, Cavite Municipal Disaster Risk Reduction Manangement Office, sinimulan nang ilikas ang mga residenteng nakatira sa tabi ng ilog sa kanilang bayan.

Sinimulan nang ilikas ng mga opisyal ng Silang Cavite Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang mga residente sa kanilang bayan na nakatira sa gild ng mga ilog at sapa. 


Nasa 20 pamilya ang inilikas sa barangay Santol, habang nasa 15 pamilya naman ang inilikas sa barangay Lalaan 2.


Isinagawa agad ng mga opisyal ang preemptive evacuation para hindi na abutan ang mga resisdente ng malakas na agos ng tubig mula sa ilog na dala ng mga pag ulan dahil sa bagyong rolly. 

Sa kasalukuyan, inililikas na rin ang iba pang mga residente  na nakatira sa tabi ng ilog sa Brgy Biga 1, Biga 2 at Adlas.

Ulat ni Jet Hilario

photo credits: Mayor Corie Poblete
Please follow and like us: