3 Drug suspek naaresto sa Drug Buy-Bust operation sa Bacolod City

Tatlong drug suspek ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group sa Barangay Singcang-Airport sa Bacolod City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga suspek na sina Regine Arroz, 28-anyos; June Mark Ibe, 28-anyos; at Sheila Mhary Balarao, 34-anyos.

Base sa report, ng PNP Bacolod, huli sa akto ang tatlong suspek na hawak ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 13 milyong piso. (P13,600,000)

Nakuha rin sa mga suspek ang ginamit na buy bust money at ilan pang pera na pinaniniwalaang nagmula sa drug transactions.

Hawak na ng Bacolod City PNP ang mga suspek at sasampahan ng mga kaukulang kaso at paglabag sa R.A 9165.

Jet Hilario

Please follow and like us: