Tarlac nakatanggap ng 12 libong doses ng Sinovac vaccine

Pinangunahan nina Dra. Resurrection Quiambao, Tarlac Provincial Hospital Chief at Dra. Maita Rigor, Provincial Hospital Chief of Clinics, kasama ang Provincial Dental Office(PDO)at  Health Officer(HO), ang pagtanggap sa 12,000 doses ng Sinovac, vaccines.

Ito’y para sa nalalabing A1.5 – A1.7 & A2 na priority group para sa (1st & second dose).

Labis naman ang kagalakan na naramdaman ni Governor Susan Yap sa natanggap mula sa Dept. of Health Central Luzon- Health Deparyment (DOHCL-HD).

Ayon kay Gov. Yap, ngayong dumating na ang bakuna ay asahan nang mababakunahan ang frontliners, senior citizens at mga nasa pagitan ng edad 17-60 years old.

Natuwa rin maging ang mga doktor at nurse na mangangasiwa sa pagbabakuna, dahil may proteksyon na laban sa COVID-19.

Ulat ni Rizza Castro

Please follow and like us: