DOH nakapagtala ng mahigit 6 libong bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa
Nakapagtala ang Department of Health ng 6, 895 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.
Dahil rito, pumalo na sa 1, 020, 495 ang kabuuang kaso ng COVID 19 na naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, 67,769 naman ang aktibong kaso.
May 10 ,739 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.
Sa ngayon, umabot na sa 935,695 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID 19.
May 115 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon, umakyat na sa 17,031 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo
Please follow and like us: