Bulusan Volcano, nakapagtala ng 166 volcanic earthquakes
Nakapagtala ang Bulusan Volcano network ng isang daan at animnapu’t anim na volcanic earthquakes.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan din sa bulkan ang pamamaga ng lupa sa upper slopes ng bulkan simula noong Marso 6 at nagpapatuloy ang inflation nito.
Ipinaliwanag ng PHIVOLCS na indikasyon ito ng pagkakaroon ng “Shall hydrothermal processes” sa ilalim ng bulkan.
Namamalagi naman sa Alert level 1 status ang Bulusan Volcano.
Paalaala ng PHIVOLCS , ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) at maging maingat kapag pumasok sa 2-kilometer extended danger zone.
Please follow and like us: