Abogado mula sa Davao City bagong Comelec commissioner

May bago ng Commissioner ang Commission on Elections.

Ito ay si Atty. Michael Braganza Peloton na papalit sa binakanteng pwesto ng nagretirong si Commissioner Luie Tito Guia.

Ayon sa Comelec, si Peloton ay mula sa Davao City at nagsilbi bilang Board Member ng Philippine Reclamation Authority noong 2018.

Nagsilbi rin Ito bilang Technical Assistant sa Presidential Management Staff ng Office of the President noong 2017.

Ayon sa poll body, naniniwala silang ang malawak na karanasan at kaalaman ni Peloton sa law at information technology ay makakatulong ng malaki SA COMELEC Lalo na ngayong panahon ng pandemya.

inihayag pa ng poll body, dahil regular appointee si Peloton makakaupo Ito SA pwesto sa oras na makumpirma ito ng Commission on Appointments.

Madz Moratillo

Please follow and like us: