Vice President Leni Robredo at oposisyon, Binuweltahan ni pangulong duterte sa pagpuna sa kampanya ng gobyerno laban sa covid-19

Pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo at ang oposisyon sa patuloy na pagpuna sa gingawang hakbang ng administrasyon laban sa pandemya ng covid 19.

Sa kanyang talk to the nation sinabi ng Pangulo na wala ng ginawa si Robredo kasama ang oposisyon kundi pintasan ang pamahalaan sa mga ginagawang paraan para labanan ang covid 19.

Ayon sa Pangulo hindi na nakuntento ang oposisyon sa halip na tumulong ay nakakadagdag pa sa problema.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa kanyang gabinete na patuloy na tumutulong para harapin ang problema ng covid 19.

Muling inulit ng Pangulo sa publiko ang kanyang pagnanais na makabili agad ng bakuna laban sa covid 19 kung magtatagumpay ang mga bakunang sumasailalim sa final stage ng clinical trial.

Vic Somintac

Please follow and like us: