Acting BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., pormal na itatalaga bilang director general ng kawanihan

Inanunsiyo ni Justice Secretary Crispin Remulla na pormal nang hihirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si acting Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang Jr. bilang director general ng kawanihan.

Ito ay tatlong buwan matapos na ilagay bilang acting chief ng BuCor si Catapang.

Ang pahayag ay ginawa ni Remulla sa kaniyang talumpati sa pagpapalaya sa bagong batch ng inmates sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Remulla na hinihintay na lamang ang lagda ni Pangulong Marcos sa appointment papers ni Catapang.

Ayon naman kay Catapang, ang marching order sa kaniya sa ngayon ay ang regionalization ng mga piitan ng BuCor.

Maglalatag din aniya sila ng mga plano ng BuCor para ngayong 2023 hanggang 2028.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *