Acting Chief Justice Antonio Carpio, dumalo sa kaniyang huling Flag ceremony bilang mahistrado ng Korte Suprema

Dumalo sa kanyang huling flag raising ceremony si Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Magreretiro si Carpio sa October 26 sa pagsapit niya sa edad na 70-taong gulang na Mandatory retirement age ng mga Mahistrado.

Ginawaran si Carpio ng mga kapwa niya mahistrado ng Plaque of Recognition.

Pinagkalooban din si Carpio ng mga kawani ng Supreme Court ng Certificate of Appreciation.

Nagsuot din ang mga empleyado at opisyal ng Korte Suprema ng mga damit na kulay asul, pula, dilaw at puti o mga kulay ng watawat ng Pilipinas bilang pagpupugay kay Carpio.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Carpio ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa Korte Suprema sa nakalipas na 18 taon.

Umabot anya sa 935  na  full-blown decisions ang kanyang isinulat sa halos dalawang dekada niya sa Korte Suprema.

Ipinagmalaki rin ni Carpio na wala siyang iiwang backlog o nakabinbing kaso sa kanyang pagreretiro.

Kahit hindi siya naitalaga bilang Chief Justice ay ginawaran si Carpio ng retirement privileges na laan sa isang Punong Mahistrado sa bisa ng isang resolusyon ng mga justices ng Korte Suprema.

Nakilala rin si Carpio sa kanyang pagsusulong sa soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *