Adult Covid admissions ng Pasay City General Hospital, higit 100% nang okupado

Photo: Pasay PIO

Hanggang kaninang alas otso ng umaga, ay higit 100% nang okupado ang adult Covid admissions.

Ayon kay PCGH OIC Medical Director Dr. John De Gracia, ang natitira na lamang ay isang Pedia at 1 OB bed.

Okupado na rin maging ang kanilang ER isolation room, habang 32% occupied naman ang transition beds.

Samantala, wala namang naiulat na namatay sanhi ng virus, at tuloy-tuloy ang operasyon ng OB services ngunit nilinaw ni De Gracia na priority muna nila sa ngayon ang lubhang nangangailangan ng atensiyong medikal o extreme emergency cases.

Jimbo Tejano

Please follow and like us: