AFP inaming nakalusot sa militar ang natitirang Maute group na nagkuta sa grand mosque na nabawi ng militar

Inamin ng militar na nakatakas ang natitirang miyembro ng teroristang Maute group na nagkuta sa grand mosque na sentro ng siyudad ng Marawi na nabawi ng tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na isang buwan ang ginawang operasyon ng militar bago napasok ang grand mosque.

Ayon kay Padilla posibleng bago napasok ng militar ang grand mosque ay nakalipat sa ibang lugar na natitirang stronghold ng mga teroristang Maute group.

Inihayag ni Padilla na tinatayang na sa humigit kumulang limampu na lamang ang natitirang Maute group at tatlumpung bihag ang kanilang hawak.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *