Aktibong kaso ng bansa sa Covid-19, bumaba ngayong linggo

Nakapagtala ng downtrend sa mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Batay sa datos ng worldometer, isang Global Covid-19 statistics provider, mula sa mahigit 60,000 active cases ng mga nakalipas na linggo ay bumaba ito sa 54,326.

Kahapon, nakapagtala ng 6,831 panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa pero nakapagtala naman ng 7,981 mga bagong gumaling mula sa virus infection.

Patuloy ang paalala ng pamahalaan sa mga mamamayan na manatiling sumusunod sa mga minimum health standard lalu na’t nasa ilalim pa rin ng Community Quarantine ang buong bansa.

Please follow and like us: