Aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, halos 19,000 na

Nadagdagan ng 644 na bagong kaso ng COVID-19 ang CALABARZON.

Dahil dito, umaabot na sa 18,952 ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A.

Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, karamihan sa mga active cases ay mula sa Cavite na 6,974.

Sumunod ang Rizal na 3,832 at pangatlo ang Laguna na may 3,637 aktibong kaso ng COVID.

Nakapagpatala rin ng 136 na bagong recoveries kaya halos 85,000 na ang gumaling sa rehiyon.

May 11 bagong pumanaw kaya 2,837 na ang mga namatay dahil sa virus.

Sa kabuuan, umakyat na sa 106,750 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa CALABARZON mula noong nakaraang taon.

Moira Encina

Please follow and like us: