Aktibong kaso ng Covid-19 sa City of Mati, Davao Oriental, umakyat na sa 28

Nakapagtala ng dalawang panibagong kaso ng Covid-19 ang City of Mati sa Davao Oriental.

Dahil dito, batay sa City Health office, umabot na sa 28 ang aktibong kaso sa lungsod mula sa 661 kumpirmadong kaso ng virus infection.

Samantala, may naitala namang 3 nakarekober sa karamdaman kaya umabot na sa 617 ang bilang ng recovered cases.

Nasa 17 naman ang mga namatay sa sakit.

Please follow and like us: