Aktibong kaso ng COVID-19 sa Sta.Rosa,City, Laguna, umabot na sa mahigit 400

Muli na namang tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna.

Sa pinakahuling datos ng Santa Rosa City LGU, kabuuang 449 na ang active cases ng virus sa lungsod mula sa 432.

Mula sa nasabing bilang, 41 ang bagong kaso ng sakit.

Umabot naman sa 24 ang bagong gumaling na pasyente habang walang naitalang bagong pumanaw.

Nakapagtala ng 537 aktibong kaso ng lungsod noong May 26 at ito ay bumaba sa 420 noong katapusan ng Mayo.

Pero, muli na namang dumami ang aktibong kaso ngayong unang linggo ng Hunyo.

Sa kabuuan ay 6,237 ang nahawahan ng COVID sa Santa Rosa mula noong nakaraang taon.

Moira Encina

Please follow and like us: