Parte ng Lipa City-Alaminos Road, isang lane lang ang puwedeng madaanan dahil sa epekto ng Bagyong Dante

One lane passable lamang ang bahagi ng Lipa City-Alaminos Road dahil sa epekto ng Bagyong Dante.

Sa pinakahuling abiso ng DPWH CALABARZON nitong 6:00am ng June 3, sinabi na sarado sa trapiko ang isang lane ng bahagi ng Lipa City-Alaminos Road dahil sa landslide at nagpapatuloy na falling debris.

Nag-install na ng safety devices sa lugar ang DPWH.

May maintenance crew at technical personnel na rin na idineploy ang DPWH sa lugar para sa clearing operations.

Maliban sa Lipa City-Alaminos Road ay puwedeng madaanan ng lahat uri ng sasakyan ang lahat ng iba pang kalsada at tulay sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us: