Aktibong kaso ng Covid 19 sa Tagaytay City, nasa 3 na lang.

Nasa 3 na lamang ang aktibong kaso ng Covid 19 sa Tagaytay City, Cavite. 


Aabot naman sa 205 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng naturang virus habang nasa 197 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at 5 naman ang nasawi.


Bagaman unti-unti nang bumababa at bumabagal ang bilang ng mga nagakakaroon ng Covid 19 sa Tagaytay City ay hindi pa rin dapat na magpakampante ang publiko, kundi bagkus ay patuloy pa rin na mag-ingat at sumunod sa mga health protocol na umiiral sa buong Cavite province.


Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: