Alex Eala, umangat ang rating sa No. 180 sa WTA

Photo courtesy of Ales Eala's FB

Patuloy ang pag-usad ng 18-anyos na Pinay tennis star na si Alex Eala, matapos umangat sa career-high No. 180 ang kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association (WTA).

Umakyat ng walong puwesto si Eala mula sa dati niyang No. 188 ranking noong isang linggo, matapos niyang magwagi sa quarterfinals sa W75 Porto International Tennis Federation (ITF) tournament sa Portugal.

Sa linggong ito ay muling sasabak si Eala SA W50 Trnava 2024 Tennis Tournament na gaganapin sa Slovakia, at umaasa siya na mas bubuti pa ang kaniyang perfomance na magpapataas naman sa kaniyang rating.

Samantala, bukas, Miyerkoles, Pebrero 28 ay makakaharap ni Eala si Anna Bondar ng Hungary sa opening round set.

Si Bondar ang tumalo sa kaniya sa Portugal.

Bukod dito ay maglalaro rin siya sa doubles kasama ang magiging ka-partner niya na si Zeynep Somnez ng Turkey, at ang makakalaban nila sa first round ay ang pares nina Tang Qianhui ng China at Liang En Shuo ng Chinese Taipei.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *