Alok na tulong ng NPA para makipaglaban sa Marawi, tinanggihan ng DND

Courtesy of Wikipedia.org

Hindi kinagat ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang alok ng National Democratic Front of the Philippines na pagtulong ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga sundalo sa pagsupil ng terorismo sa Marawi City.

Ayon kay Lorenzana, ang dahilan kung bakit hindi nila maaring matanggap ang tulong ng NPA ay dahil terorista rin ang turing nila sa mga ito.

Bukod sa NPA, una na ring nag-alok ang mga grupong Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front ng tulong para magdagdag ng pwersa sa pamahalaan laban sa mga terorista sa Lanao del Sur.

Dagdag pa ni Lorenzana, kung pupunta sa kanila ang mga ito dala ang kanilang mga armas, pasusukuin lang nila ang mga ito tulad ng mga dati na nilang panawagan, dahil hindi naman maaring makialam ang mga rebelde sa sitwasyon.

Giit ni Lorenzana, isa lang ang Armed Forces of the Philippines at isa rin lang ang Philippine National Police ng bansa kaya hindi maari ang gusto ng NPA.

Maari lamang aniyang makialam ang mga ito oras na makapag-integrate na sila sa militar.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *