Anak ni Elvis Presley na si Lisa Marie, pumanaw na sa edad na 54

(FILES) In this file photo taken on October 28, 2001 US singer and actress Lisa Marie Presley attends the Cinamatheque event honoring Nicolas Cage in Los Angeles on October 28, 2001. (Photo by Chris Delmas / AFP)

Namatay na nitong Huwebes sa edad na 54 ang singer-songwriter na si Lisa Marie, ang nag-iisang anak ng rock and roll legend na si Elvis Presley.

Si Presley, ay isinugod sa intensive care unit ng California hospital matapos ma-cardiac arrest.

Ayon sa isang pahayag ng pamilya, “Priscilla Presley and the Presley family are shocked and devastated by the tragic death of their beloved Lisa Marie. They are profoundly grateful for the support, love and prayers of everyone, and ask for privacy during this very difficult time.”

Sinabi ni Priscilla Presley, ina ni Lisa Marie, “It is with a heavy heart that I must share the devastating news that my beautiful daughter Lisa Marie has left us.”

Iniulat ng entertainment website na TMZ, na ang sikat na anak ni Elvis ay nasa induced coma at naka-life support, at “unresponsive” na ito nang matagpuan ng kanyang housekeeper sa kanyang tahanan Huwebes ng umaga sa celebrity-studded Los Angeles suburb ng Calabasas.

Si Lisa Marie ay binigyan ng kaniyang dating asawang si Danny Keough ng CPR, hanggang sa dumating ang paramedics at dalhin ito sa pagamutan.

Ayon sa TMZ, binigyang-diin ng kanilang sources na hindi nagtangkang magpakamatay ang singer-songwriter.

Si Priscilla at Lisa Marie, ay nakitang magkasamang dumalo sa Golden Globe awards sa Beverly Hills nitong Martes, kung saan si Austin Butler ay pinarangalan bilang Best Actor in a drama para sa kaniyang pagganap bilang si Elvis Presley sa biopic na likha ni Baz Luhrmann na pinamagatang “Elvis.”

Sa kaniyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Butler, ang mag-ina sa pagsasabing, “I also want to thank our incredible producers and Warner Bros. and the Presley family. Thank you, guys. Thank you for opening your hearts, your memories, your home to me. Lisa Marie and Priscilla, I love you forever.”

Si Lisa Marie Presley ang nag-iisang anak ni Elvis. Siya ang dating kumukontrol sa Elvis Presley Enterprises, ngunit ipinagbili niya ang malaking bahagi ng kompanya sa isang private equity firm noong 2005.

Namalagi naman ang kaniyang kontrol sa Graceland, ang Memphis, Tennessee estate na pag-aari ng kaniyang ama.

Si Lisa Marie Presley ay nag-release ng tatlong album, at siya rin ang ina ng aktor na si Riley Keough, na lumabas sa pelikulang “Mad Max: Fury Road.”

Bukod kay Danny Keough, na hiniwalayan niya noong 1994, ikinasal din siya sa aktor na si Nicolas Cage, kay Michael Jackson at sa actor/composer na si Michael Lockwood.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *