Anim na oras lamang na pagmamaneho ng mga bus driver, ipatutupad na ng LTFRB
Mahigpit nang ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board simula ngayong araw ang istriktong anim na oras lamang ng pagmamaneho ng mga bus driver.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, boardmember ng LTFRB, dapat mayroong kasama ang driver na kapalitan o relyebo.
Nilinaw nito na hindi maaaring ang konduktor ang papalit sa driver.
Hinikayat din ng LTFRB ang mga pasahero na agad na isumbong kung sakaling may paglabag ang isang bus company.
Pinaalalahanan din ni Lizada ang mga bus company na hindi lamang ngayong holiday ito ipapatupad at sa halip at magiging permanente na ang nasabing kautusan para maiwasan ang aksidente.
Please follow and like us: