Anim na suspek sa Degamo killing, inirekomenda ng DOJ na kasuhan ng murder

Pinakakasuhan ng DOJ panel of prosecutors ng mga reklamong murder ang anim na suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na sa inquest resolution ay inirekomenda ng piskalya na kasuhan ng siyam na counts ng murder ang anim na suspek.

Bukod dito, sasampahan din 13 counts ng kasong frustrated murder at tatlong counts ng attempted murder ang anim.

Ang lima sa mga suspek ay mga dating sundalo at ang isa ay caretaker ng safehouse ng mga ito na mga una nang sumuko sa militar.

Ayon kay Clavano, inatasan ang NBI- NCR na patuloy na imbestigahan ang mga sinasabi ng ilan sa mga suspek na handler at recruiter.

Ang kaso na isasampa sa anim ay kasamang lilitisin sa kasong murder na una nang inihain laban sa apat na suspek na dati nang nadakip sa hot pursuit operations.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *