Anim patay sa nagpapatuloy na landslide sa Davao de Oro

Umakyat pa sa anim na indibidwal ang namatay dahil sa landslide incidents sa Davao de Oro dulot ng tuluy-tuloy at malalakas na ulan.

Ayon sa Provincial government, dalawa sa mga biktima ay mula sa New bataan, tatlo ay mula sa Maragusan at isa mula sa Pantukan.

Kabilang sa mga nasawi ay ang sitenta’y sais anyos na lola mula sa bayan ng pantukan na nalunod sa rumaragasang baha.

Natagpuan na rin ang bangkay ng isang lalaking napaulat na nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa sa New bataan.

Sa ngayon aabot na sa halos limampung libong indibidwal ang apektado ng mga pagguho ng lupa sa Davao de Oro.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *